The Montreal Pinoy Post » Joseph Gonzales

Banyagang hindi Banyaga
By: Joseph Gonzales

Gasgas  na raw. Gasgas na nag marahil. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. Gasgas na nga ba?

Sa galing daw sa pag-akma sa kaniyang ginagalawan, walang hihigpit pa sa Pilipino. Mapapansin ang katotohanang iyan sa kanyang kilos, pananamit, at maging sa kanyang pagsasalita. Ang katangian niyang iyan ay isang dahilan kung kaya siya ay hindi nahihirapang magkaroon ng sariling lugar, saan man siya mapadpad. Ngunit ang katotohanan, ang katangian din niyang iyan ay siya ring kaniyang ikinasisira. Hindi man siya tahasang matatawag na hunyango, siya naman ay may pagkahunyango.

Hindi ilang beses na nag Pilipino ay napapansin ng ibang mga kultura, hindi lamang sa kaniyang mga gawi, kundi pati na rin sa kaniyang pakikisalamuha sa iba. Mangyari’y parang sa dayuhan ang kaniyang mga pamamaraan. Sa kaniyang  pagnanais na maging akma sa bago niyang mundo siya ay tuluyang yumayakap sa kaniynag bagong kultura at tila nakalilimutan na siya ay may sariling kulturang pinanggalingan. Siyaay parang ahas na naghuhunos sa kaniyang pagbababgong kultura, bagama’t ang paghuhunos niya ay panloob. Banyaga siya sa gawi, samantalang ang kaniyang balat ay nananatiling kayumanggi-kayumangging hindi maipagkakailang sa Pilipino. Para siyang saging na puti man sa loob, ay nananatili naming dilaw sa labas.

Hindi mapahihindian na nag ka-Pilipinuhan, lalo na sa ibang bansa, ay kulang sa pagmamalaki sa kanilang pinagmulan. Kung maaari nga raw nilang baguhin ang kanilang kulay, ito ay walang pag-aatubili nilang gagawin. Hindi kakunti ang mga magulang na ni ayaw matuto ng wika ng Pilipinas ang kanilang mga anak. May nagsasabing baduy daw.

May nagsasabi ring wala na raw dahilan at hindi na rin namna sila nakatira sa Pilipinas. Ilan pa ba ang mga nagtuturo ng pagmamano sa kanilang mga anak? At mayroon pa bang nagbabahagi sa kanilang mga anak ng kahalagahan ng delikadesa at pagtanaw ng utang na loob? Binabawalan pa ba ang mga bata na sumali sa usapan ng mga nakatatanda? At sila ba ay tinuturuan pa ring sumagot ng PO at OPO kapag ang kausap ay mas may edad? Iisa lang ang tiyak, gasino lang kung mayroon pa nga!

Ang katotohanan, walang sukat ikahiya sa pagiging Pilipino. Mayaman ang lahing Pilipino sa mga tradisyon at mga kinagawian na siya nating ikinatatangi, kasama na nag mga naunang nabanggit.

Walang dahilan upang hindi natin sukat naisin na mapangalagaan an gating kultura na siyang tanging may-katiyakang ating maipamana sa mga  susunod nating salin-lahi. Anong inam kung ating mapahahalagahan at mapangangalagaan ang yaman-kalinangang pinagyaman ng mga naunang henerasyon, matiyak lamang na ito ay patuloy na mabubuhay at maipapasa sa mga susunod pang henerasyon. Atin bang pawawalan ng saysay ang kasaysayang nililok ng lahi ng mga bayani? Hindi mahirap na masigurong ang ating kalinangan ay patuloy pa ring pagyayamanin ng mga susunod pang mga Pilipino. Kailangan lang maisakatuparan ang pagpasa nito sa ating mga anak. Kailangan lang magsimula.

O baka naman tayo nga ay mga BANYAGANG HINDI BANYAGA.